Kaming sentro ng atensyon, silang humaharap sa diskriminasyon
”Section one”. Pangkat na kinabibilangan ko. Pangkat na may matang nakabantay, animo’y mga matang mapanghusga at nagmamatyag.
Kami’y sentro ng atensyon. May bagong pasilidad, dekalidad na mga guro, maayos na silid... Lahat! Pangalanan mo at meron kami nyan.
Minsan, naglalakad ako sa gawing likod ng aming kampus. Doo’y nananahan ang mga ”lower sections” kung tawagin. Singaw ng nagsusumigaw na tagaktak ng pawis at silid na ‘di mo pagkakamalang silid ang tumambad sa akin. May mga sirang upuan, bintanang basura ang masisilayan at mga pisarang tagpi-tagpi at mga kalat na walang tiyak na pupuntahan. Nahabag ako. Biglang tingin sa aking ”I.D.” at napasabing, ”masuwerte ako, pero papaano sila?”. Pansamantala kong hinubad ang aking I.D. ko, hinarap ko sila bilang isang kapwa nila estudyante. Hinarap ko sila na di binubuhat ang pangkat na kinabibilangan ko. Nabatid ko sila. Diskriminasyon kong maituturing.
Muli kong isinukbit sa gusot kong kwelyo ang aking I.D., marahan akong bumalik sa aming silid. Tahimik ako, blangko ang pag-iisip. Inikot ko ang aking paningin sa aking mga kaklase, mga kaklase kong maginhawa ang nararamdaman, ’di alintana ang init dahil sa nakatapat na bintilador sa kanilang mga mukha. Namuhi ako sa sarili ko, nakakapag aral ako ng maayos tulong na din ng komportable naming silid, pero papaano na sila? Ako man ay ’di makaiintindi sa itinituro kung mala-impyernong init ang aking nararanasan.

Nagnilay-nilay ako. Nanatiling blangko. Bigla akong naliwanagan, naisip ko na kahit ano palang gawin ko ay maliit pa din ang nag-iisa kong tinig na naghihinaing. Itataas ko nga ang aking kamao ngunit ‘di naman papalaring mapansin. Sa huli’y mapapaupo ako, walang magawa habang iniisip, nasa amin ang atensyon habang sila ang humaharap sa diskriminasyon.
*a blog entry from Christian Jai Garcia
how nice, tama ka jan bro, u open my eyes too.
ReplyDeletenakikita ko din yang ganyang senaryo dati pa, pero wala din akong lakas para ipaglaban un.
elib ako sayo, pinag tuunan mo ng pansin.tnx.
..........so cool!
ReplyDelete