Kung anong dumi ng basurahan sa bahay niyo, ito ring dumi ng politika at kalakaran sa ating gobyerno. Parang kapag pumasok ka doon hindi na mga tao ang nakakasama mo. Para kang nasa zoo na tumitingin sa mga hayop, mga hayop na big time at naka barong at naka-dress, mga naka kurbata at may mga alahas pang nakasabit. Mukang mga kagalang galang at desente. Ngunit sa likod ng kanilang kumikinang na damit at malinis na itsura, natatago ang madumi at illegal nilang Gawain.
Sa loob ng kanilang “zoo” makaka-meet ka ng iba’t ibang klaseng mga hayop, daig pa ang mga nasa Manila Zoo sa kusog, lakas at liksi ng mga ito. Ilan sa kanila ay mga uri ng hayop/tao na babanggitin ko. Sa maniwala ka man o hindi, sa tingin ko, kahit konti, sasang-ayon ka sa akin.
- LEON (Lion)
Nangunguna ditto sa lahing ito ay ang mga hari o namumuno sa zoo. Sila yung mga nasa taas; makapangyarihan at maimpluwnsyang mga tao sa gobyerno. Bakit kamo leon? Dahil sila yung mga taong ganid at kayang pumatay para sa kapangyarihan, at maproteksyonan ang kanyang posisyon. Pwede rin nating sabihin na sila ang mga pasimuno, dahil sila nga naman ang leader.
- BUWAYA (Crocodile)
Gaya ng mga leon, ganid din ang mga ito. SObra ang takaw at gusto nilang sila lagi ang may hawak ng pera. Gaya ng natural na buwaya, hindi sila nabubusog o nakukuntento sa isang sagpangang pagkain. Sampung beses kaysa normal na pagkain ang kaya nilang gawin. Madalas sila yung mga nakabarong at nakaupo sa upuan ng kongreso. Sila yung mga ubod ng yaman kahit hindi naman ganoon kataas ang kanilang posisyon. Kahit na hindi sila galing sa kilalang pamilaya. Daig pa nila ang yaman ng mga eresero at dami ng bahay na meron sila. Daig pa ang mga bilihan ng kotse sa dami nilang kotse sa kani kanilang mga mansyon.
- AHAS (Snake)
Tunog pa lang halatang alam mo na. Gaya ng mga nasa pelikula, sila yung mga taong nang-aagaw o nagtataksil sa isang kaibigan o kasama upang masira ito at mawala sa kasalukuyang sa kasalukuyang posisyon at siya ang papalit. Minsan sila rin ang nagtataksil sa sariling samahan upang magmukang mabuti at manatili sa pwesto. Ingat lang dahil magaling silang mga actor, sanay sa pagpapanggap. Sila rin ay mahilig bumulong, kaluskos ng kaluskos, animo’y laging may binabalak.
Sila ang big three ng kanilang zoo. Dako naman tayo sa sumusunod na mga klase ng hayop.
- PARROT
Ito ang mga madadaldal sa zoo. Sila ang mga tgapag-hatid ng mga balita sa lahat. Hindi sila natitigil magsalita kahit na wala ng kakwenta kwenta ang kanilang sinasabi. Sila ay may dalawang pamamaraan upang mapansin; (1) ang magingay ng magingay gamit ang nakakabasag tainga nilang boses at, (2) Sinasabi nila ang gusto nila kahit na pauli-ulit lang. Pinapaikot lang nila ng pinapaikot ang usapan. Lalo na pag nagkakaroon ng mga pagpupulong. Aakalain mong matalino sa dami ng sinasabi kahit wala naman ng kakwenta kwenta.
- USA (deer)
Ito ang mga uri ng hayop sa zoo na palaging painosente. Sila yung mga laging walang alam (o talagang wala silang alam) para makaligtas sila sa galit at bangis ng leon o ng buwaya. Dahil mapagmapnggap na mang-mang, mabilis silang nagtatago at tumatakbo kung ang panganib ay malapit na sa kanya. MAbilis na silang nawawala pag bulgaran na ng mga baho. Wala pang isang minute, wala na sila sa paningin mo.
- KWAGO (Owl)
Kung merong duwag at bobong usa, ito naman ang kabaliktaran niya. Ang kwago na animo’y punong-puno ng kaalaman. Akala mo lahat alam niya kung magmagaling. Pero hindi lahat ng alam niya ay totoo. Minsan siya ay nagpapsikat at nagyayabang lang, mistulang bumabagyo sa lakas ng hangin pag sila ay dumarating. Ang kwago, sila ang laging source ng mga parrot at tagapag-patunay ng mga leon. Hindi lang sila matalino, sila rin ay napaka tuso.
Ilan lang ang mga yan sa mga hayop na iyong nakikita sa kaharian ng politika. Kung merong katagang “wow! Hayop” dahil sa pagkamangha, marahil mapapa “Hayop ka!” pag sila na ang klase ng hayop na mapapagusapan. Nakakatuwa man silang pagmasdan sa harap ng TV, pero hindi ka na muling masisiyahan pag narinig mo na silang magsalita. Parang gugustuhin mo na lang basagin ang TV niyo para hindi ka lang maasar. Mas tahimik pa ang buhay.
Malaki ang inis ko sa mga nasa posisyon, hindi dahil may mga utang sila sa akin (pero malaki ang kupit nila sa atin). Palibhasa hindi pa ako bumuboto at parang ayaw ko na nga ring bumoto dahil parepareho lang sila. Pero ang higit na nakakainis sa lahat, ay ang mga tao na nagpapakatanaga na ilagay sila sa pwesto. Masyadong nauuto sa mga mabubulaklak na salita at nasisilaw sa mga pera binubudbod sa muka nila.
Oo! Sige, titigil na ako dito. Baka pag may natamaan sa mga pinagsasabi ko, ipa assassinate nila ako o i-massacre pa ang pamilya ko, o ‘di naman kaya ay ipakain nila ako sa mga alaga nila. Ay! Naalala ko pala, mga vegetarian ang mga ito. Tanging mga kulay berde lamang ang nilaamon nila. Walang lugar para sa mga taba at laman ko.
*happy one year sa blog ko!
-aichiniboo

No comments:
Post a Comment